...sinulat ko ang blog entry na ito.
ang unfair talaga ng buhay. matagal ko ng narecognize ang katotohanan na ito.
pero ang tanggapin yun? hindi siguro.
minsan pag nagmahal ka, halos makalimutan mo yung "outside world".
yung nageexist na mundo bukod sa mundong kinreate mo para sa inyong dalawa.
tipong, every minute of everyday, twenty four seven eh magkasama na kayo.
At ikaw, halos malimutan mo na ang nanay mo, ang tatay mo, mga kapatid mo, mga kaibigan mo, kahit nga minsan ang acads mo. nakakasira talaga ng buhay sa "outside world" ang pagjojowa. ang drama mo: handa mong iwan ang lahat para sa kanya. ang "love of my life" mo.
kaso, noong halos iwanan mo ang lahat, kalimutan na may nageexist pa nga pala sa "outside world", saka ka naman iiwan ng "love of my life" mo. Saklap di ba? dito na pumapasok ang pagiging unfair.
pagiging unfair ng jowa mo, na matapos kang paibigin, paniwalain na mas masarap mabuhay kapiling siya sa habambuhay keber ang ibang tao, may sa against all odds pa ang drama nyo, eh bigla kang iiwan sa ere. at ano ang napala mo? wala. wala kang kaibigan, wala kang pamilya. wala ka na rin sa sarili, malamang.
pagiging unfair mo sa outside world, dahil matapos mong iwanan sila noong nahanap mo na ang iyong prince charming, ang knight in shining armor mo, at ngayon eh iniwan ka na nga, bigla mong naaalala na may kaibigan pa pala ako at may pamilya nga pala ako. leche. iiyak iyak ka, at ano? magdedemand ka na makinig sila sa problema mo, ngayong ni ha ni ho walang narinig sa'yo habang maligaya ka pa sa jowa mo.
At huli, unfair ka sa sarili mo. ni hindi ka nagtira, ngayon, wasak ka?
Quits lang.
MORAL LESSON: Wag isantabi ang sarili. Alalahaning di lang jowa umiinog ang mundo, may mga taong kahit anong gawin mong pangiiwan, di mawawala. mas deserve nilang maging center of your universe.
Bakit ko to sinasabi?
KASI DI KO ITO NAGAWA...